PDu30, gustong mag-alok ng COVID-19 vaccines sa mga Odette evacuation sites
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na mag-alok ng COVID-19 vaccines sa mga evacuation sites kung saan libo-libong mga survived typhoon Odette ang nananatiling namamalagi roon.
Tinatayang may 339,000 katao ang nananatiling nasa evacuation centers o namamalagi roon kasama ang kanilang mga kamag-anak ng may isang buwan matapos na manalasa ang bagyong Odette.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga bakuna ay maaaring ipadala sa mga evacuation sites sakay ng sasakyang-pandagat ng coast guard.
“I’d like to go there personally and again to ask the health workers to give vaccination to everyone there. Mas madali kasi na-ano na sila, we were able to gather them in one place, in several places for each barangay,”ayon sa Pangulong Duterte.
Si bagyong Odette, itinuturing na “strongest storm” na tumama sa bansa noong nakaraang taon ay nag-iwan ng “406 dead, 65 missing, and 1,265 injured.”
” It also damaged some 1.3 million houses,” ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Ricardo Jalad. (Daris Jose)