PDu30, dadalo sa inagurasyon ng kanyang anak na si Sara sa Hunyo 19- Frasco
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.
“President Rodrigo Roa Duterte has confirmed his attendance,” ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Sara Duterte.
Iyon nga lamang, wala pang impormasyon kung dadalo rin sa nasabing inagurasyon ang kanyang running mate sa halalan na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang inagurasyon ay idaraos sa San Pedro Square simula alas-3 ng hapon at magtatapos ng alas-11 ng gabi.
Papayagan ang publiko sa lugar simula alas- 2 ng hapon.
Ang event ay magsisimula sa isang thanksgiving Mass ng alas-3 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles. (Daris Jose)