• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City

BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City.

 

 

Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon.

 

 

Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate bilang kanyang successor.

 

 

Nagpahayag lamang siya ng kanyang suporta sa kanyang anak na si  Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tumatakbo bilang bise-presidente at ilang Senate hopefuls.

 

 

HIndi naman in-endorso ng Pangulo ang running mate ng kanyang anak na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tumatakbo sa pagka-pangulo.

 

 

Gayunman, bilang pangulo ng  PDP-Laban party ay suportado nito ang tambalang Marcos and Duterte-Carpio.

 

 

Si Pangulong Duterte, pang-16 na Pangulo ng bansa ay nakatakdang iwan ang Malakanyang sa Hunyo. (Daris Jose)