• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections. 

 

Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman ang “word war” kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ang paksyon naman ni Pacquiao noong huling linggo ng Agosto ay nagdesisyong patalsikin si Pangulong Duterte bilang party chairman.

 

“We have been inviting him (Pacquiao), been wanting to meet with him. But unfortunately, he closed the door to us,” ayon kay Cusi.

 

“Ang nangyari kasi, he not just closed the door, but also burned the bridges,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang 2 PDP-Laban factions ay naghain ng magkahiwalay na Sworn Information Update Statements noon nakraang buwan.

 

Ang grupo na mabibigong makakuha ng approval ng Commission on Elections (Comelec) ay hindi mabibigyan ng Certificates of Nomination and Acceptance na kinakailangan para tumakbo sa ilalim n partido.

 

Nakatakda namang isiwalat ng Cusi wing kung sinu-sino ang kanilang Senate candidates sa convention nito, bukas araw ng Miyerkules.

 

Nakahanda naman si Pacquiao na tumakbo bilang independent candidate, ayon sa kanyang kaalyadong si Ron Munsayac.

 

“Asked if the other wing was also ready to field independent candidates, We’ll cross the bridge when we get there… We are prepared as a party,” ayon kay Cusi.

 

“Of course, we have been planning what are the options in events, in cases like that,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)