PCOO, bumuo ng bagong panel para sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensiya
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sarili nitong Anti-Corruption Committee (ACC) bilang bahagi ng pagsisikap nito na sugpuin ang korapsyon sa ahensiya.
Sa isang simpleng seremonya Times Plaza Building sa kahabaan ng UN Ave. sa Ermita, Manila, inaunsyo ng PCOO ang kanilang partnership sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang lumikha ng sarili nitong ACC sa ilalim ng “Project Kasangga: Aksyon Laban sa Korapsyon” ng pamahalaan.
Nilagdaan ni PCOO Secretary Martin Andanar ang Special Order 22-35 ‘reconstituting the ACC to create a streamlined Complaint Action Center, which the public may communicate with or have access to through a hotline, help desk, and/or e-mail.”
Ang mga sumusunod na numero at e-mail address ay maaaring gamitin para mag-report ng kanilang corruption-related complaints: 0916 7378 212 (Globe), 0969 2609 853 (Smart), acc@pco.gov.ph.
Maliban sa nilikhang hotline, ang ACC ay inatasan na makipag-ugnayan sa mga ahensiya, burukrasya, at iba pang instrumentalities para sa tamang implementasyon at promosyon ng anti-corruption measures, mga polisiya at programa.
Ang komite ay responsable para sa implementasyon, monitoring at evaluation ng Action Plans na itinakda ng magpapartisipang ahensiya at dapat na mag-provideng periodic report sa kani-kanilang heads of offices at sa PACC.
Kailangan din na makipag-ugnayan ang ACC sa PACC, sa pamamagitan ng Information and Resource Management Office, para sa tamang referral ng impormasyon at incident reports ng korapsyon at kung ano ginawang aksyon.
Ang mga tanggapan at ahensiya sa ilalim ng PCOO ay kinabibilangan ng News and Information Bureau/Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, National Printing Office, Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang, People’s Television Network, at Bureau of Broadcast Services. (Daris Jose)