• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 8:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCO, hinikayat ang publiko na i-monitor ang infra projects sa pamamagitan ng transparency portal

HINIKAYAT ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez ang publiko na i-monitor ang infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng bagong inilunsad, pinahusay na transparency portal.

Sinabi ni Gomez na ang pinahusay at pinabuting DPWH Transparency Portal ay pinalawak at maituturing na mas accessible version ng Sumbong sa Pangulo platform, pinapayagan ang publiko na i-monitor ang government infrastructure projects at i- report ang pinaghihinalaang mga iregularidad.

Tinuran pa ni Gomez na ang AI-driven portal ay nahahandog ng mas malawak na saklaw ng impormasyon at mas user-friendly interface upang maging madali sa mga mamamayan na mag-report ng posibleng anomalya sa infrastructure projects, kabilang na ang substandard work.

“As you can see, maraming pagkakahawig doon sa Isumbong mo sa Pangulo website. Pero mas expanded ito ngayon. If I may say so, parang Isumbong sa Pangulo 2.0,” ayon kay Gomez.

“So, I encourage the people to use this portal para masubaybayan ‘yung mga proyekto n’yo on the ground, yung proyekto dyan sa komunidad nyo. At mag-report. Kung tingin nyo talagang may katiwalian sa mga proyekto na yun, gamitin natin itong portal na ito para mag-report. ‘Yun ang purpose ng transparency,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ni Gomez na ang bagong portal ay higit pa sa mga naunang function na nakatuon higit sa lahat sa flood control projects, sinasabing ang mga user ay maaaring magsasaliksik para sa anumang DPWH project at makita ang mahalagang detalye gaya ng ‘implementing office, contractor, project cost, at project status.’

“Contrary to the initial belief, na medyo nakaka-intimidate, napaka-user-friendly ng portal. Sa search bar, i-type mo lang kung ano yung proyekto gusto mong hanapin—lalabas na lahat ng detalye,” ayon kay Gomez, sabay sabing sinubok niya ang site matapos na ilunsad ito.

At sa tanong kung ang bagong platform sa kalaunan ay papalitan ang Office of the President’s (OP) Sumbong sa Pangulo website, sinabi ni Gomez na mangyayari ang pagpapalit sa oras na ang karamihan sa mga reports ay tinurn over at ang citizens transition sa DPWH-managed system.

“Eventually, mag-fade out na ‘yung Sumbong sa Pangulo pag hindi na tayo nakakatanggap ng reports diyan at na-turnover na natin sa ICI yung karamihan ng report. Naturally, mawawala na ‘yan,” ang sinabi ni Gomez.

Binigyang diin ni Gomez na habang ang portal ay nakalagay sa ilalim ng DPWH at dinebelop sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology, ang OP ay nakasubaybay pa rin sa sistema.

Inaasahan naman ang DPWH Transparency Portal na palakasin ang public participation, pigilin ang korapsyon at palakihin ang pananagutan sa implementasyon ng infrastructure projects sa buong bansa.

Nauna rito, inilantad naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang DPWH Transparency Portal, araw ng Lunes bilang bahagi ng nagpapatuloy na reporma para masugpo ang korapsyon sa public infrastructure projects.

Sinimulan ng Pangulo ang kanyang kampanya laban sa maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects na naglunsad sa Sumbong sa Pangulo website noong Aug. 11.

(Daris Jose)