• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG patay sa pamamaril sa Maynila

NASAWI ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG)matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sampaloc, Maynila Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si ASN o Apprentice Seaman Al Hazil Tati na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, mukha at katawan.

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, bandang akas-3:55 ng madaling araw nang naganap ang krimen kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at hindi kilalang suspek

Nauwi umano ito sa suntukan hanggang sa tumakbo ang biktima na ilang ulit pinutukan ng suspek na nagresulta ng pagkamatay ng coast guardian.

Kinuha na ng PCG Manila ang labi ng kanilang tauhan habang patuloy na nangangalap ng ebidensya ang pulisya at inaalam ang pagkakilanlan ng suspek. (Gene Adsuara)