• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG, naka-heightened alert status para sa Undas

NAKA-HEIGHTENED alert status na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa paghahanda sa paggunita ng Undas 2025 mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4.
Lahat ng distrito, istasyon at sub-stations ay inatasan ni CPG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na magpatupad ng mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan at dalampasigan sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
Kasama ang Department of Transportation, Philippine Ports Authority, at Maritime Industry Authority, magbabantay ang PCG sa mga Malasakit Help Desk sa pangunahing pantalan upang magbigay ng agarang tulong at impormasyon sa mga pasahero.
Ang mga medical team, K9 units, at lifeguards ay naka-deploy na rin sa mga pantalan, dalampasigan, at tourist areas para sa seguridad at kaligtasan ng publiko.
Patuloy na pinaaalalahanan ng Coast Guard ang mga biyahero na sumunod sa mga patakaran at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa ligtas at maayos na paglalakbay ngayong Undas.
(Gene Adsuara)