• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinuldukan na ang appointment ni Morales bilang PSC chief

TINULDUKAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang appointment ni Presidential Security Command (PSC) Commander Maj. Gen. Jesus Nelson Morales.

Sa katunayan, kinumpirma ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pagtatapos ng pagkakatalaga kay Morales bilang pinuno ng PSC.

 

 

Ani Castro, papalitan ni Brig. Gen. Peter Burgonio si Morales, nagsilbi bilang acting PSC commander sa kaparehong araw ng pagtatapos ng appointment ni Morales.

Si Morales sa kabilang dako ay nagsilbi naman bilang pinuno ng PSC noong 2023.

Taong 2023, itinalaga ni Pangulong Marcos si Burgonio bilang commander ng Intelligence Regiment ng of the Philippine Army (PA).

 

 

Ang PSC, dating kilala bilang Presidential Security Group (PSG) ay isang unit sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mandato na magbigay ng protection escort para sa Pangulo, Pangalawang-Pangulo at sa kani-kanilang immediate families, bukod pa sa nagsisilbi bilang honor guard duties para sa mga bumibisitang dignitaryo.

 

 

Ang PSC ay naka- stationed sa Palasyo ng Malakanyang sa Lungsod ng Maynila, official residence ng Pangulo.

 

 

Sinasamahan din ng mga miyembro ng PSC ang Pangulo sa mga panahon ng domestic at overseas trips. (Daris Jose)