PBBM tiniyak ipagpatuloy ang pagbuo ng mga ‘highly interconnected road network
- Published on March 28, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon na bumuo ng mga highly interconnected road network na layong magpapadali sa paglago ng ekonomiya ng bansa.Pinatitiyak din ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na tiyaking matapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon ng sa gayon mapakinabangan ito ng publiko.
“So we will not stop here, and we will continue to develop a highly interconnected road network that will facilitate our country’s rapid, inclusive, and sustained economic growth,” Pahayag ni Pang. Marcos.
Malaking bagay sa sandaling makumpleto na ang NLEX Connector 8 kilometer project na nagkakahalaga ng P23 billion.
Ang nasabing proyekto ay magsisimula sa Caloocan hanggang sa vicinity ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta Mesa, Manila.