• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinitingnan ang magiging pakinabang ng ekonomiya sa pamamagitan ng MTFF

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa tamang daan ang Pilipinas tungo sa pagbawi at pagbangon ng ekonomiya.

 

 

Iyon ay dahil sa tulong  mula sa  Medium-Term Fiscal Framework (MTFF)  para sa bansa na makamit ang “economic transformation.”

 

 

Sa kanyang budget message sa isinumiteng 2024 National Exependiture program, sinabi ni Pangulong Marcos na may ilang nagsisilbing hadlang sa daan ng Pilipinas tungo sa economic recovery noong nakalipas na taon nang maupo siya bilang halal na Pangulo ng bansa.

 

 

“Last year, there were strong headwinds that cobfronted us in our path to econbomic recovery, among which was inflation. TO strategically address these, the MTFF was formulated by our economic managers,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ang MTFF ay inaprubahan kapwa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kaparehong taon.

 

 

“This MTFF was supported by the two Houses of Congress.. a first in our history. It now serves as the bedrock of pur plan for economic transformation,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng MTFF, layon ng administrasyon na sa taong 2028, nakamit na nito ang 6.5% hanggang 8% ng real Gross Domestic Product (GDP), 3% national government  deficit sa GDP ratio, mas mababa sa 60% national government debt-to-GDP ratio.

 

 

Target din nito na magkaroon ng poverty rate ng 9% o mas mababa at gross national income per capita na $4,256US dollars.

 

 

Aniya pa, ang Philippine Development PLan mula 2023 hanggang 2028 ay naglalayon na “secure the people’s purchasing power while ensuring quality jobs and world -class products.”  (Daris Jose)