• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, suportado ang ‘Matatag Curriculum’ ng DepEd

NAGPAHAYAG ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  para sa “MATATAG Curriculum” ng Department of Education (DepEd).

 

 

Sinabi nito na ito’y  mahalagang programa na akma sa mga mag-aaral na Filipino.

 

 

“This is very significant because…sinusubukan nating gawin at ayusin ang curriculum para mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino,” ayon kay Pangulong Marcos sa sidelines ng Brigada Eskwela activities  na isinagawa sa Victorino Mapa High School.

 

 

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na layon din ng MATATAG Curriculum na palakasin ang “international score” ng bansa lalo na sa larangan ng ‘Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM)’ subjects.

 

 

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng MATATAG Curriculum mabibigyan nito ang mga estudyante ng opsyon na ituloy ang  vocational o technical training makaraang matapos ang  10th grade ng kasalukuyang academic year.

 

 

“So that’s more or less the big system changes that we are doing,” ayon sa Pangulo.

 

 

Nauna rito, inilunsad ng DepEd ang adjusted K to 10 curriculum, at tinawag na ‘Matatag Curriculum’ matapos ang dalawang taong pagsusuri.

 

 

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary  Sara Duterte, nag-umpisang siyasatin ng ahensya ang kurikulum dahil nakakaalarma ang mababang antas na nakuha ng mga Pilipinong estudyante sa national at international na pagsusulit

 

 

Dagdag pa ni Duterte, ang adjusted curriculum ay lilinang sa non-violent actions at conflict resolutions ng mga mag-aaral.

 

 

Mababatid na pito ang learning areas sa kasalukuyang sistema, habang sa adjusted curriculum lima na lamang  partikular na rito ang Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct (GMRC). (Daris Jose)