PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso
- Published on February 13, 2024
- by @peoplesbalita
IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.
Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino” kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili.
“Kaya’t ngayong Buwan ng mga Puso, ipagdiwang natin ang pagmamahal sa ating mga sarili,” ang sinabi ni Pangulong Marcos habang nasa treadmill.
“Alagaan natin ang ating mga puso dahil walang ibang mag-aalaga diyan kung hindi ikaw lang, lalo na kung single ka,” ang paalala ng Punong Ehekutibo.
Samantala, ang Valentine’s Day sa Pebrero 14 ay hindi lamang pinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kundi ito rin ay hudyat ng pag-sisimula ng pag-aayuno, pagsasakripisyo’t pinetensya.
Ang Ash Wednesday o may opisyal na pangalang Day of Ashes ay araw ng pag-aayuno at unang araw ng Lenten Season sa mga debotong katoliko at ilang relihiyon na naniniwala dito.
Ang abo ay ginagamit noong sinaunang panahon bilang tanda ng pighati. Kaya naman bilang tanda ng pagsisisi at pag-amin sa mga kasalanang nagawa. Ipinagpatuloy ng mga kristiyanong katoliko ang paggamit sa abo bilang palatandaan sa noo at minsan ay inilalagay sa ulo na umpisa na ng Miyerkules ng Abo. (Daris Jose)