• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:43 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, planong dumalo sa UNGA sa Setyembre — envoy

PLANO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dumalo sa United Nations General Assembly sa Setyembre.
“There is a plan,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez sa isang panayam matapos tanungin kung dadalo ang Pangulo sa UNGA na nakatakda ngayong taon.
Ani Romualdez, mahalaga ang presensiya ni Pangulong Marcos sa UNGA para sa hangarin ng Pilipinas na masungkit ang isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC) “since he will have the chance to engage with many world leaders.”
Samantala, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi pa kumpirmado ang pagdalo ng Pangulo sa UNGA.
Sa ulat, kada Setyembre, karaniwan nang bumi-byahe ang mga world leaders patungong New York para dumalo sa taunang United Nations General Assembly.
Ang bawat high-level gathering ay tanda ng pagsisimula ng taunang General Assembly na may tema, kung aling mga pinuno ang may posibilidad na madaling sanggunian bago magsalita tungkol sa kung ano ang gusto nila.
Matatandaang, taong 2023 at 2024, hindi dumalo si Pangulong Marcos sa UNGA at sa halip ay itinalagang kinatawan si dating Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Taong 2022, dumalo si Pangulong Marcos sa UNGA kung saan tinalakay niya ang kapayapaan at katatagan sa Asya, na ayon sa kanya, ay nasa ilalim ng pagbabanta bunsod ng ‘ideological tensions.’ ( Daris Jose)