PBBM, pinirmahan ang mga batas na magtatatag at mag-a-upgrade sa mga eskuwelahan sa Leyte, Rizal, at Sorsogon
- Published on September 20, 2025
- by @peoplesbalita
PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang apat na batas na magpapalawak sa access sa quality education sa pamamagitan ng pagtatatag ng bagong national high schools at i-convert ang existing na elementary schools sa integrated schools sa mga lalawigan ng Leyte, Rizal, at Sorsogon.
Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Republic Act 12256, itinatatag ang Doos del Norte National High School sa Hindang, Leyte, at RA 12258, lumilikha ng Tanay National Science High School sa Rizal.
Nilagdaan din ng Pangulo ang RA 12257, kung saan kinonbert (convert) ang Alegria Elementary School sa Barcelona, Sorsogon, sa Alegria Integrated School, at Republic Act No. 12259, kung saan tinransporm (transform) ang Patag Elementary School sa Irosin, Sorsogon, sa Patag Integrated School.
Sa ilalim ng mga batas, ang lahat ng mga tauhan, assets, liabilities, at mga rekord ng converted schools ay ililipat sa at ia-absorb ng integrated schools.
Ipinag-utos naman ng Pangulo sa Department of Education (DepEd) na patakbuhin ang bagong tatag at upgraded na mga eskuwelahan, na may funding support na huhugutin mula sa taunang General Appropriations Act.
“The DepEd is further tasked with formulating and implementing rules and regulations within 90 days,” ayon sa ulat.
Ang mga batas ay nilagdaan upang maging ganap na batas noong September 5, 2025, at magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.
( Daris Jose)