PBBM, pinasinayaan ang P430.3-M BALINGOAN PORT EXPANSION PROJECT
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Port Operations Building (POB) sa ilalim ng P430.3-million Balingoan Port Expansion Project sa Balingoan, Misamis Oriental.nnThe Balingoan Port Expansion Project ay nakatuon tungo sa pagpapalakas ng ‘economic at tourism activities’ sa rehiyon.nnSa pagsasalita sa nasabing paglulunsad na isinagawa sa newly completed terminal, sinabi ni Pangulong Marcos na sa ilalim ng Build Better More program, layon ng gobyerno sa pagtatayo ng mga imprastraktura ay paghusayin ang ‘public convenience, comfort, security, at general progress.’nn“Sa pagsasaayos natin sa pasilidad na ito, asahan natin na lalakas ang turismo, bubuhos ang negosyo, lalago ang ekonomiya, at higit sa lahat, mas gaganda ang kabuhayan ng mga taga Misamis Oriental,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nn“Isa lamang po ito sa aming mga proyekto at sa aming mga ginagawa upang gawing makabago ang mga pantalan sa ating kapuluan,” aniya pa rin.nnSakop ng newly-inaugurated Port Operations Building ang 3,082.50 square meters at nagtatampok ng single-level, high-ceiling design na maaaring mag-accommodate ng hanggang 500 seated passengers. Ito ay 233% na pagtaaas mula 150-passenger capacity ng lumang terminal.nnKabilang sa modern features ng terminal ay ang passenger lounge areas, gender-inclusive restrooms, childcare at play areas, food concession spaces, at prayer rooms, pinaganda at pinalaki naman ang ‘convenience at comfort’ ng mga biyahero.nnSa ilalim ng expansion project, ang back-up area, karagdagang roll-on/roll-off ramp, at pinalawig na cargo handling capabilities ay itinayo rin at pinalawak.nn”With the improvements, the port now has the capacity to berth up to five to six RoRo (roll-on/roll-off vessels) simultaneously, significantly reducing congestion and long queues of cargo and passenger vehicles,” ayon sa ulat.nnAng Balingoan port ay matatagpuan sa 84 kilometers mula sa Cagayan de Oro City, nagsisilbi ito bilang mahalagang transportasyon at economic hub na nagdudugtong sa Northern Mindanao sa Camiguin at Bohol.nnAng development ng Port of Balingoan ay maaari ring magpalakas sa tourism landscape ng Northern Mindanao, nag-aalok sa mga biyahero ng ‘greater access’ sa ilang itinuturing na ‘Misamis Oriental’s lesser-known yet captivating destinations.’nnSamantala, noong nakaraang taon, nakapagtala ang port ng mahigit sa 6,102 ship calls, nahigitan ang pre-pandemic figures, na may RoRo traffic na lampas sa 109,000 at passenger traffic na umabot sa mahigit na 671,000.