• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:48 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang presentasyon ng mga bagong Petroleum Service Contracts

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang presentasyon ng mga bagong Petroleum Service Contracts para sa petroleum at hydrogen explorations sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Sakop ng mga ikakasang gas exploration ang mga lugar ng Sulu Sea, Cagayan, Cebu, Northwest at East Palawan gayundin ang Central Luzon.

Tinatayang, aabot sa $ 207 milyong dolyar ang halaga ng puhunan para sa service contracts na tatagal ng pitong taon kung saan ay kabilang sa mga gagawin ang geological at geophysical surveys gaya ng seismic at aeromagnetic studies upang matukoy ang mga posibleng lugar na maaaring pagbabarena, na may potensyal ding matuklasan ang native hydrogen reservoirs at mga bagong petroleum fields.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong kinakatawan ng mga service contracts na ito ang marubdob na pagnanais ng pamahalaan na palakasin ang energy security sa bansa na magbibigay ng economic stability at self reliance.

Sinasabing, sa mga kontratang ito dagdag ng Pangulo ay magkakaruon ng katiyakan kung pag- uusapan ay sapat na suplay ng enerhiya sa bansa.
(Daris Jose)