• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport

PERSONAL na nagtungo sa Pampanga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon ng umaga para sa ilang aktibidad.

 

 

Pinangunahan ng Pangulo ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat City, lalawigan ng Pampanga.

 

 

Bukod sa talumpati ng presidente ay inaasahang bahagi din ng event ang gagawing walk through o pag- iikot ng chief executive sa bagong terminal ng paliparan.

 

 

Ilan sa mga miyembro ng gabinete na nakasama sa okasyon ay si Transportation Secretary Jaime Bautista at Tourism Secretary Cristina Garcia – Frasco

 

 

Kaugnay nito mas maraming oportunidad sa larangan ng employment, pamumuhunan gayundin sa turismo ang inaasahan sa gagawing pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport . (Daris Jose)