PBBM, personal na sinaksihan ang pagsira sa illegal na ‘floating shabu’ sa Tarlac
- Published on June 26, 2025
- by @peoplesbalita
PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsira sa P9,484,134,038.62 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Clean Leaf International Corporation sa lalawigan ng Tarlac.
Kasama ng Pangulo si Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi nito na pumunta siya sa lalawigan ng Tarlac upang makita kung ano ba talaga ang buong sistema mula sa pagkahuli ng mga droga, pagte-testing hanggang sa huli ay pagsira sa mga nahuling illegal na droga.
“Dahil kailangang tiyakin natin na ‘yung mga nahuhuling drugs ay talagang sinisira at wala ng pag-asa na bumalik pa at maibenta pa, ang sinabi ng Pangulo.
“That’s why I’m here today just to see how the system works para very solid ‘yung system natin from the capture and of the illegal drugs all the way until the destruction of the illegal drugs also,” aniya pa rin.
“So ito pala, ngayon ko lang nakita ito so I was very interested to see. This will be the chamber temperature will be raised to 700 degrees Celsius which is hot enough to destroy all of the active elements within the drugs. So after nainit na sa 700 degrees Celsius hindi na, it will not be shabu anymore, it will not be marijuana anymore, it will not be any drug anymore.
Hindi na talaga pwede, sirang-sira na ito. So that’s what we are here to witness,” dagdag na pahayag pa rin ng Pangulo.
“At this point matagal pa ito. Iinit pa ito for another 10 hours no? Tapos mag-aantay tayo ng 12 hours bago palalamigin ulit para makita kung nauubos na talaga ‘yung ating sinunog. Kapag may nakita na may traces pa ay babalik nila, uulitin pa nila para talagang sirang-sira,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Pangulo na may mga miyembro ng media ang kasama niyang sasaksi sa sistemang gagawin sa ilegal na droga.
“I’m also happy that I was able to get the opportunity na makapunta rito para makita ko rin ang ang buong sistema from the capture all the way until its destruction,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.
Samantala, kabilang sa mga illegal na droga na sinira ay ang 1,304.604 kilogramo ng lumutang na pakete ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P8,871,307,200.00.
Ang ‘floating shabu’ ay na-recover ng mga lokal na mangingisda sa baybaying-dagat ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan. (Daris Jose)