• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, opisyal nang tinintahan ang P6.79-T national budget para sa taong 2026

OPISYAL at pormal nang tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang P6.79-trillion national budget for 2026 ng Pilipinas at bineto ang ilang items na nakalagay sa ilalim ng unprogrammed appropriations (UA).
Habang ang mga proyekto sa ilalim ng UA ay itinuturing na “standby” dahil maaari lamang silang maisakatuparan kung “revenue collection exceed targets and when additional grants or foreign funds are generated,” ang mga items sa budget ay pinuna bilang panibagong uri ng ‘discretionary fund’ na vulnerable sa korapsyon.
“Several items under Unprogrammed Appropriations have been scrapped from the 2026 national budget as a result of the President’s decision to exercise veto powers,” ang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) sa isang kalatas.
“This is the part of the administration’s commitment to fiscal responsibility and accountability,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.
Inilarawan naman ng administrasyon ang 2026 national budget bilang isang “decisive shift toward a people-centered development agenda that focuses on human capital and the aspirations of the next generation” kung saan ang edukasyon ay nananatiling makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon with sa ilalim ng annual spending bill ng bansa.
Sa 2026, ang Education sector ang may pinakamalaking bahagi ng national budget na aabot sa PHP1.345 trillion. Katumbas ito ng 4.36 percent ng GDP ng bansa at sapat para maabot ng Pilipinas ang benchmark sa ilalim ng UNESCO Education 2030 Framework.
Kasama rin sa budget ang pondo para sa paglikha ng 32,916 teaching at 32,268 non-teaching plantilla positions sa mga pampublikong paaralan, pati na rin ang pagpapagawa ng 24,964 classrooms sa buong bansa.
Bilang bahagi ng layunin ng administrasyon na matiyak ang universal health care para sa bawat Pilipino, makakatanggap ang health sector ng pinakamalaking budget nito sa kasaysayan na PHP448.125 billion.
Magagamit ito para palakasin ang Universal Health Care Fund ng Department of Health (DOH), lalo na para sa Zero Balance Billing (ZBB), maagap na pagtugon sa communicable at non-communicable diseases, disease surveillance, mabilis na response mechanisms, sustainable health financing, at pagkuha ng karagdagang doctors at nurses sa buong bansa.
Inaasahan ding lalo nitong mapapalakas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
May kabuuang PHP297.102 billion na ilalaan para sa Agriculture sector upang matiyak ang food security, gawing mas moderno ang supply systems, at palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda.
Kasama rin dito ang mga investment sa Farm-to-Market Roads para mas gumanda ang kabuhayan ng mga magsasaka, bumaba ang gastos sa produksyon, at mapalakas ang ekonomiya sa mga rural na lugar.
Upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino, mabawasan ang kahinaan ng iba’t ibang sektor, at maprotektahan ang kanilang kapakanan, maglalaan ang pamahalaan ng PHP270.189 billion para sa social services sector sa 2026.
May malaking dagdag din sa pondo para sa Local Government Units (LGUs) sa 2026 national budget upang mas matugunan ang mga pangangailangan sa lokal na antas at mapabuti ang buhay sa bawat komunidad.
Palalakasin ang Local Government Support Fund (LGSF) para sa pagpapatuloy ng mga programang naglalayong bumuo ng ligtas at matatag na mga komunidad. Bukod dito, may PHP15.33 billion ding inilaan para sa Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).
Patuloy ring bibigyang-halaga ng 2026 national budget ang kapakanan ng military at uniformed personnel (MUP). Sa bisa ng Executive Order No. 107, s. 2025, tataas ang base pay at subsistence allowance ng MUP simula 2026.
Ipinapakita rin ng pagpasa ng 2026 national budget ang pagsulong ng transparency sa proseso ng budgeting. Sa kauna-unahang pagkakataon, na-livestream ang mga proceedings ng Bicameral Conference Committee upang mapataas ang tiwala ng publiko at mapalakas ang pananagutan sa paggastos ng pondo ng bayan. (Daris Jose)