• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:40 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan ang batas na magdedeklara ng state of calamity bago ang aktuwal na paghampas ng kalamidad

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na pinapayagan ang gobyerno na magdeklara ng “State of Imminent Disaster” bago pa humagupit ang kalamidad upang ang paghahanda at emergency actions ay kagyat na maisagawa nang maaga para protektahan ang mga komunidad
Sa ilalim ng Republic Act No. 12287, magtatatag ang gobyerno ng mekanismo para sa pagdedeklara ng State of Imminent Disaster and magbibigay ng pamantayan para sa deklarasyon nito at pagbawi, at maging ang kinakailangang appropriations.
Sa ilalim naman ng R.A. No. 12287, o Declaration of State of Imminent Disaster Act na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong September 12, pinahihintulutan ang Chief Executive na magdeklara ng State of Imminent Disaster sa mga piling barangay, munisipalidad, lungsod, lalawigan at rehiyon sa rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang local chief executives, sa rekumendasyon ng Regional Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Councils, maaaring magdeklara ng State of Imminent Disaster sa pamamagitan ng isang executive order sa kani-kanilang hurisdiksyon na hinuhulaang maaapektuhan ng nalalapit na sakuna.
Ang NDRRMC o Regional DRRM Councils ay dapat na magsagawa ng pre-disaster risk assessment sa inaasahang ‘highly probable disaster na may projected catastrophic impacts’ na magiging basehan ng deklarasyon.
“The classification of a forecasted hazard’s impacts as severe or its equivalent, with adverse effects on the population, and an allowable or sufficient three-day lead time for the national or local government to implement anticipatory action interventions must be present in the pre-disaster risk assessment. The allowable lead time may be extended to five days,” ayon sa ulat.
Papayagan naman ng Declaration of a State of Imminent Disaster ang National, Regional, at Local DRRM Councils na gamitin ang national at local resources at mga mekanismo para ipatupad ang anticipatory actions sa loob ng natukoy o ‘allowable lead time.’
Kabilang dito, ang “disseminating public information advisories on recommended actions to relevant sectors; mobilizing and prepositioning inter-agency response teams; initiating pre-emptive or forced evacuation; mobilizing duly accredited and trained volunteers; and procuring, mobilizing, prepositioning, and distributing food at non-food items to forecasted affected population.”
Kabilang sa iba pang hakbang ay ang pagpapatupad ng social amelioration program para sa indigent at most vulnerable population; isagawa ang contingency plans para pagaanin ang pinsala sa agricultural products at food supply; at magbigay ng technical at advisory assistance upang masiguro ang ‘public health at kaligtasan.
Ipinag-utos naman ng batas sa NDRRMC, sa pamamagitan ng chairperson nito, na may konsultasyon sa mga kaugnay na stakeholders, na magpalabas ng kinakailangang rules and regulations, kabilang ang operational guidelines at procedures para sa epektibong implementasyon sa loob ng 60 araw matapos na aprubahan ito. ( Daris Jose)