• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nasa United Arab Emirates na, bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at UAE pagtitibayin

LIGTAS na nakarating, Lunes ng gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bandang 11:09 P.M. local time matapos umalis ng 6:30 P.M. sa Pilipinas sa bansang UAE.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Abu Dhabi ay buhat ng paanyaya ni UAE President Mohamed bin Zayed Al Nahyan, upang talakayin ang mga issue ng trade defense at sustainable development.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na 14 Araw na lamang ang lumipas noong huling nagkita ang dalawang leader, hudyat ng patuloy na gumagandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon aniya pa kay Philippine Ambassador to the UAE Alfonso Ver, malaking hakbang sa pag-unsad or rather pag-usad ng ugnayan ng Pilipinas ang mga bansa at ng mga bansa sa gitnang Silangan ang muling pag-imbita ng Presidente ng UAE kay Pangulong Marcos Jr.
Ang mga pangunahing layunin aniya ng Pangulo sa kanyang working visit ay ang paglahok sa Abu Dhabi sustainability week, pagdalo sa paglagda ng comprehensive economic partnership agreement at ng memorandum of understanding on defense cooperation. Punong-puno ang schedule ng Pangulo sa pagbisita nito sa Abu Dhabi.
Martes ng umaga, Enero 13 ay sinimulan ni Pangulong Marcos ang kanyang araw at pinulong ang kanyang gabinete sa isang working breakfast. Matapos nito ay nakatakdang makipagkitang muli ang Pangulo kay UAE PresidentSheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi National Exhibition Center.
Ngayong araw din ayon kay Castro dadalo si Pangulong Marcos sa opening ceremony ng Abu Dhabi sustainability week kung saan siya magbibigay ng keynote speech at Sayed Sustainability Prize award na gaganapin sa ICC Hall. Magkakaroon din business meeting ang Pangulo, kasama ang DAMAC Digital, isang global infrastructure, digital infrastructure company para isulong ang business and technology interest ng bansa.
Dagdag pa rito, makikipagkita rin si Pangulong Marcos Jr. sa Filipino community sa Abu Dhabi upang kumustahin ang ating mga kababayan. Puno man ang schedule ng Pangulo, hindi ito magiging hadlang sa kanyang pagbisita sa mga kapwa natin Pilipino.
Bilang huling bahagi aniya ng kanyang working visit sa UAE, nakatakda naman dumalo ang Pangulo sa High-level gala dinner na hudyat sa pagwawakas ng Abu Dhabi Sustainability week.
“Hindi bakasyon at pang-sarili ang pagpunta sa Abu Dhabi, trabaho at negosyo, pambansang interes at seguridad. Ilan lamang iyan sa patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos Jr. para mas maginhawa at maunlad na bagong Pilipinas,” diing pahayag ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)