• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na tutulungan ang batang babae na inabuso ng lokal na opisyal

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deployment ng mga pulis sa isang komunidad sa Camarines Sur matapos mabasa ang sulat ng isang 11-year-old girl na idinetalye ang di umano’y harassment na naranasan niya at ng ibang bata sa kamay ng isang barangay official.
Tugon ito ng Pangulo sa liham ng batang babae, na pinost sa social media ng isang non-profit organization base sa Camarines Sur.
“Your letter has reached me and brought me close to tears and made me very angry. I am sending policemen to you and your sisters to protect you and to find anyone who has hurt any of you,” ang winika ng Pangulo.
“I will make sure that you will be able to continue reading and studying as much as you want. You are a very brave, intelligent, and very kind girl and I will make sure to help you and your sisters in any way you need,” aniya pa rin.
Ikinuwento rin ng bata sa dalawang pahinang liham nito ang di umano’y panggagahasa ng anak ng barangay official sa isa sa kapatid ng mga batang babae sa isang non-profit mission. Nabuntis ang biktima at di umano’y dinukot ng barangay official para ipalaglag ang magiging anak sana nito.
Hindi na pumapasok sa eskuwelahan ang biktima matapos na muli siyang gahasain.
Sinasabi pa rin sa sulat na pinagbantaan sila ng lokal na opisyal at tinakot na puputulin ang kanilang access sa elektrisidad at tubig at di umano’y sisirain ang kanilang mga pananim o nanakawin ang mga ito.
Sinabi pa ng batang babae sa kanyang sulat na maraming pamilya ang “stay in survival mode because government people make life very difficult.”
Kaya nakiusap ito sa Pangulo na tulungan sila, at ibinigay ang tanong na ito sa Pangulo na “How will we read if we are being raped? How will we read if our own government people cut our electrical wires so we have no lights? How we will read if our kagawad cut off our balon wires and so we have no water?”
“We are kids, we are not involved in your political parties. I just want to go to school without being raped. So, can you please help us?”
Gayunpaman, ang tugon ng Pangulo ay nagbigay ng pag-asa sa mga bata na makakamtan nila ang proteksyon at pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. (Daris Jose)