• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na magtatayo ng 10 bagong makabagong fish ports sa Pinas

ISINAPUBLIKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang plano na magtayo ng 10 bagong fish ports na may ‘state-of-the-art facilities at mga kagamitan’ sa bansa.
Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na i-develop ang agri-fishery sector at makamit ang food security.
Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang commitment habang pinangunahan ang inagurasyon ng ‘rehabilitated and improved’ Philippine Fisheries Development Authority – Iloilo Fish Port Complex (PFDA-IFPC) sa Barangay Tanza-Baybay, Iloilo City.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, tinukoy nito ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga bagong fish ports na may pinakamahalagang istraktura gaya ng cold storage facilities, para palakasin ang operational efficiency at tugunan ang logistics issues.
“Kaya inaayos natin itong mga fish port na ganito para dito puwedeng isakay kaagad. Hindi na kailangan isakay sa truck, tapos kung saan-saan pa dadalhin. Napakalaki ang bayad ng transportasyon,” ang sinabi ng Pangulo.
“I’m looking forward ngayon doon sa ating ibang itatayo na… Iyon hindi na rehabilitation ‘yun, bago ‘yun,” dagdag na wika nito.
Ayon pa sa Pangulo, kailangang makipagsabayan ang Plipinas sa mga neighboring countries nito gaya ng Thailand at Vietnam, na pinagtibay ang kahalintulad na sistema para gawing mahusay ang sektor ng pangisdaan, maging globally competitive, at mapalakas ang food production.
Ang mga bagong fish ports ay magiging kapaki-pakinabang sa mahigit sa 2 milyong mangingisdang filipino, inaasahan na mas lalaki ang kita ng mga ito.
“This is why our infrastructure is important, dahil kahit na simpleng-simple lang na disenyo, eh mayroon lang tayong hallway na malaki, napakalaking bagay na kasi magiging sentro na ‘yan para sa ating mga mangingisda na connection,” aniya pa rin.
“They have a connection to our ice plants, they already have a connection to frozen food retailers, to retailers – the small ones and then the small stores that sell them,” ang winika nito.
Ang rehabilitated fish port, pinondohan sa pamamagitan ng Multi-Year National Government Subsidy ng PFDA na may contract price na P885.14 million, ay nakompleto noong Marso, tampok ang mga makabagong pasilidad at dinagdagang kapasidad upang mas makapagsilbi sa mga kliyente at mga stakeholders.
Ang rehabilitated PFDA-IFPC naman ay mayroong 390-kilowatt peak (kWp) Solar Photovoltaic (PV) system na may 1,152 370-watt PV solar panel modules na may nakakabit na pinakamahalagang istraktura kabilang na ang bagong market hall, refrigeration building, cold storage facility, commercial building, public toilet, at administration building.
“Serving as a bustling hub of fisheries and trade in Western Visayas, the PFDA-IFPC is home to more than 1,400 industry players who drive the region’s economy,” ayon sa ulat.
Samantala, sa loob ng bagong market hall ay ang 21 licensed fish brokers na suportado ng 369 helpers, 503 fish viajeros na may 344 helpers, kasama ang 66 major overland fish suppliers, pitong fishing vessel operators, at 37 retailers na tutulungan ng 74 personnel, lilikha ng ‘connected at fast-moving fishery supply chain’ mula karagatan hanggang pamilihan. (Daris Jose)