PBBM, nangako na ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga job seekers, nano enterprises
- Published on April 15, 2025
- by @peoplesbalita
IPAGPAPATULOY ng gobyerno ang pagtulong sa mga Filipino na naghahanap ng trabaho at nano-entrepreneurs.nnSinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang bisitahin niya ang Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas job fair sa Antipolo Sports Hub sa Antipolo City, Rizal.nn nn“Binibigyan pati ng suporta sa equipment, sa training, at kahit mabigyan ng kaunting puhunan para makapag-start po ng kanilang mga bagong negosyo kahit na maliliit lamang. Eh pinag-uusapan po natin dati lagi natin sinasabi ang medium- and small-scale enterprises. Ngayon napunta na po tayo sa micro enterprise, nano enterprise ang tawag din,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.nn nn“At magpapasalamat din ako sa mga employer. At dahil ‘yung mga employer po ay kinausap namin na makapunta rito upang ‘yung mga nag-a-apply sa iba’t ibang klaseng trabaho ay mabigyan naman ng pagkakataon,” aniya pa rin.nn nnGagamit aniya ang administrasyon ng whole-of-government approach upang masiguro na ang mga filipino mula sa marginalized sector ay makakukuha ng kinakailangang suporta.nn nnSa kabilang dako, tinatayang 766 bakanteng trabaho ang inalok ng 10 nagpartisipang employers sa job fair.nn nnAng ‘Job vacancies’ ay available sa 300 job seekers na benepisaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).nn nnMayroon namang 1,800 graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD ang makatatanggap ng P3,000 bawat isa sa ilalim ng AICS.nn nnSamantala, namahagi naman ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng iba’t ibang Integrated Livelihood Program packages sa ilang benepisarto at nagsagawa ng orientation para sa 122 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers program.nn nnTinurn over naman ng Department of Health (DoH) ang anti-dengue commodities at nag-alok ng libreng gamot, serbisyong medikal gaya ng screening laboratories, X-rays at electrocardiograms; pagbakuna para sa pneumonia; at medical consultations.nn(Daris Jose)