PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas
- Published on January 14, 2025
- by Peoples Balita
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta para sa Pilipinas na makasama sa United Nations Security Council (UNSC).Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC).
Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent seat sa UNSC para sa terminong 2027-2028. Ang Security Council ay ang pangunahing responsable para sa pagpapanatli ng ‘international peace at security.’
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid, and we hope for your support when the time comes when we are indeed sitting as a member of the Security Council,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang UNSC ay mayroong 15 miyembro kung saan ang bawat isa ay mayroong isang boto at sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Council.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong “rich experience in building peace, forging consensus, and finding new paths for cooperation.”
“Nowhere is this best highlighted than in our unfaltering contribution to UN Peacekeeping Operations over the past sixty years, deploying over 14,000 troops in 21 UN peacekeeping operations and special political missions,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa rin niya na ang layunin ng bansa ay nakaayon sa pananaw na ang multilateralism ay dapat na palakasin o pagtibayin sa pamamagitan ng pagreporma sa Security Council at pagpapasigla sa General Assembly.
Samantala, matatandaang nasungkit ng Pilipinas ang isang seat sa Security Council para sa terminong 2004-2005. (Daris Jose)