• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:01 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagtatag ng dalawang bagong ospital sa Zamboanga

PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga batas na magtatatag ng dalawang government hospitals sa lalawigan ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, ipinakikita ang commitment ng gobyerno na makapaghatid ng universal healthcare sa lahat ng mga Filipino.
Tinintahan ng Pangulo noong September 5 ang Republic Act No. 12260, na magtatag ng Zamboanga del Sur Second District Hospital sa munisipalidad ng San Miguel in Zamboanga del Sur province.
Ang Zamboanga del Sur Second District Hospital ay isasailalim sa direktang kontrol at superbisyon ng provincial government ng Zamboanga del Sur.
Ang Zamboanga del Sur provincial government naman ang mamamahala sa nasabing district hospital at maghahanda, sa konsultasyon sa Department of Health (DOH), isang hospital development plan na nakaayon sa Philippine Health Facility Development Plan.
“Any future increase in bed capacity, healthcare facilities, service capability, and human resource complement shall be based on the hospital development plan,” ayon sa ulat.
Ang provincial government ng Zamboanga del Sur ay magbibigay ng kinakailangang pondo para sa “establishment, maintenance, at iba pang operating expenses” ng nabanggit na district hospital.
Sa kabilang dako, dapat naman isama ng DOH Secretary ang suporta para sa capital outlay requirements ng ospital sa subsidy program ng departamento.
Samantala, nilagdaan din ni Pangulog Marcos noong September 5 ang Republic Act No. 12261, magtatatag ng Liloy General Hospital sa munisipalidad ng Liloy sa Zamboanga del Norte province.
Isang Level II general hospital, ang Liloy General Hospital ay dapat na mayroong bed capacity na 100 beds at dapat na nasa ilalim ng direct control at superbisyon ng DOH.
Dapat na kaagad na isama ng Secretary of Health sa programa ng DoH ang implementasyon ng nabanggit na Republic Act No. 12261, at ang pagpopondo ay dapat na isama sa taunang General Appropriations Act.
Ang dalawang batas ay magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.
(Daris Jose)