• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:44 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagtalaga ng 2 bagong miyembro ng MTRCB

OPISYAL na nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kapalit ng dalawang outgoing officials bago pa ang susunod na term cycle ng board.

Sa isang liham kay MTRCB Chairperson Diorella “Lala” Sotto-Antonio, pinangalanan ni Pangulong Marcos sina Pedro Cesar Gabriel Atienza Solidum bilang miyembro, papalitan ni Solidum si Zeny A. Mancilla, at Mynoa Refazo Sto. Domingo, papalitan naman si Maria Marta Ines A. Dayrit.

Sina Solidum at Sto. Domingo ay kapwa magsisilbi hanggang Sept. 30, 2026.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga appointees na kaagad na magsimula sa kanilang posisyon at magbigay ng kopya ng kanilang oaths o panunumpa sa Office of the President (OP) at sa Civil Service Commission (CSC).

Wala namang karagdagang detaltye hinggil sa backgrounds at appointment ng mga bagong miyembro ng MTRCB.

Samantala, itinatag ang MTRCB sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1986 , nilagdaan noong Oct. 5, 1985, ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

May mandato itong i-regulate at uriin ang motion pictures, television programs, at publicity materials, bukod sa iba pa.
(Daris Jose)