PBBM, nagbigay ng love letter kay FL, nagpayo ukol sa relasyon
- Published on February 16, 2026
- by @peoplesbalita
“YOU complete me,”
Ito ang taos pusong mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang esposa na si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa pakikiisa ng Pangulo sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, araw ng Sabado, Pebrero 14.
“My forever Valentine, Liza, you are the love of my life, the heart of our home, and the calm in the middle of everything. You make it all make sense. You complete me,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang Facebook post.
Sa kanyang vlog, sinabi ng Pangulo na nais niyang ilaan ang kanyang free time kasama ang kanyang asawa, idagdag pa na ang kanilang kaligayan ay “just be(ing) with one another” nang hindi masyadong nag-iisip tungkol sa trabaho.
“Mababaw lang ang kaligayahan namin. Makalibre lang kami ng isang evening na kung ano ang gagawin, hindi naman importante,” ang sinabi ng Pangulo.
Inamin ng Pangulo na kapuwa sila nahihirapan ni Unang Ginang Liza na maghanap ng oras para sa isa’t isa dahil pareho silang abala.
Habang tanggap naman ng Pangulo ang mga hamon ng pagbalanse sa trabaho at oras sa pamilya, binigyang diin ng Pangulo na mahalaga na magkaroon ng oras para sa isa’t isa sa kabila ng ‘busy schedules.’
Ang sekreto aniya ng panghabang-buhay na relasyon ay nakasalalay sa kapangyarihan ng komunikasyon at pang-unawa.
Kaya ang payo ng Pangulo sa mag-asawa ay tratuhin ang isa’t isa ng may kabutihan at lumikha ng ‘bond’ na pinalalim ng oras at puso-sa-pusong pag-uusap.
Binigyang diin ang kahalagahan ng pagtatatag ng isang “real and true” friendship sa mag-asawa sabay sabing ito ay isang pangunahing elemento sa pagbuo ng isang malusog na relasyon.
“For me, the basis of any good relationship is true friendship. The best relationships I’ve seen have all been started by being friends,” ayon kay Pangulong Marcos.
“‘Yung sinasabi nga, nade-develop yan. Pero kung hindi kayo magkaibigan, you don’t have fun with each other, you don’t enjoy each other’s company, and you don’t amuse each other,” (Daris Jose)