PBBM, muling nagbabala sa mga responsable sa mga nawawalang “sabungeros”
- Published on July 29, 2025
- by @peoplesbalita
MULING nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga responsable sa mga nawawalang “sabungeros.”
Tiniyak ni Pangulong Marcos sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, araw ng Lunes, Hulyo 28, na nakakasa na ang whole-of-government approach para resolbahin ang krimen na may kaugnayan sa mga nawawalang tao.
“We will go after and hold accountable the masterminds and those involved — be it civilians or officials,” ayon kay Pangulong Marcos.
“No matter how strong, heavily influential or wealthy they are, they will not prevail over the law.” aniya pa rin.
At ang pangako ng Pangulo ay “Most of all, we will make the perpetrators feel the weight of the punishment for these heinous crimes.”
Sa ulat, diretsahan na muling idinawit ang pangalan ng negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa isyu ng mga nawawalang sabungero.
kabilang sina Ang at Barretto sa mga pinangalanan ni Julie Dondon Patidongan o alyas Totoy na nasa likod ng malagim na nangyari sa tinatayang mahigit 100 nawawalang mga sabungero.
Si Patidongan daw ang head ng security ng mga sabungan ni Atong at sa kaniya raw ibinababa ang utos na ipitin ang mga sabungerong mahuhuling nag-chochope o nandadaya sa sabong.
Nang tanungin naman kung sino ang artistang babaeng nauna na niyang isiniwalat na sangkot sa naturang isyu, diretsahang sinabi ni alyas Totoy ang pangalan ni Gretchen. (Daris Jose)