• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, may napili ng susunod na PNP Chief- DILG

MAY napili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Gayunman, tumanggi naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na pangalanan ang susunod na PNP chief. Si Pangulong Marcos aniya ang mag-aanunsyo nito.
“Meron na siyang napili. Excellent, very qualified, very dynamic, good track record,” ang sinabi ni Remulla.
Magiging bentahe ani Remulla kung ang susunod na PNP chief ay mayroong mas mahabang termino o panahon para ipatupad ang patuloy na pananaw para sa police organization.
“Ang nangyayari kasi sa atin, a tenure of a chief PNP will only last one year, a little more than one year. Kailangan natin merong continuing vision na may buy-in ng lahat ng PNP as the years go by,” ayon sa Kalihim.
“Ngayon kasi paiba-iba. Every year iba ang directive, vision, mission statement. My goal is that isa na lang. No matter who the Chief PNP is,” aniya pa rin.
Sa Hunyo 7 ay mapapaso na ang extended term ni PNP chief Police General Rommel Marbil.
Samantala, ilan sa mga pangalan na kasama sa pagpipilian ay sina Deputy Chief for Administration LtGen. Jose Melencio, si PNP Deputy Chief for Operations LtGen. Robert Rodriguez, PNP Durectorial Staff Chief LtGen. Edgard Alan Okubo, National Capital Region Police Office Chief PMGen. Anthony Aberin at si Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) Chief PMGen. Nicolas Torre III.
(Daris Jose)