PBBM, Leviste dapat na pag-usapan ang isyu ukol sa flood control projects
- Published on August 28, 2025
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na makabubuti kung mag-uusap sina Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. at Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
”Kung sinuman po ang behind dito, mas maganda po na makausap din po ng Pangulo si Congressman Leviste, at kung ano ang kanyang mga nalaman kasi personal po siyang nakahuli dito kay district engineer at most probably, may mga contractor na nabanggit dito,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
”So, mas magandang makipag-ugnayan siya sa Pangulo para kung sinuman ang mga malalaking tao diumano na behind dito ay dapat ding makasuhan, hindi lamang po iyong district engineer,” aniya pa rin.
Sa ulat, pormal nang nagsampa ng reklamo si Batangas Congressman Leandro Leviste laban sa isang DPWH district engineer na nagtangka umanong suhulan siya.
Naniniwala ang kongresista na may malalaki pang taong nasa likod ng katiwalian sa flood control projects.
(Daris Jose)