• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Lee muling pinagtibay ang PH–SoKor strategic ties, tinitingnan ang mas matibay na pagtutulungan

MULING pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at South Korean President Lee Jae Myung ang matatag na strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, nangako ng mas matibay na pagtutulungan sa ‘kalakalan, tanggulan at cultural exchanges.’
“The commitment was made during Marcos’ phone call with Lee on Thursday,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
“During their conversation, President Marcos conveyed his warm congratulations and expressed his full support for President Lee’s administration,” ang sinabi pa rin ng PCO sabay sabing “The two leaders reaffirmed their commitment to deepening the Strategic Partnership, emphasizing cooperation in key areas, such as trade and investment, defense and security, and people-to-people ties.”
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang South Korea para sa patuloy na suporta sa ‘development and advocacies’ ng Pilipinas.
Binigyang diin nito ang kahalagahan na panatilihin ang international support para sa maritime interests at regional stability ng Pilipinas, na ‘consistent’ sa international law.
Looking forward naman si Pangulong Marcos na makapulong si Lee sa 2025 Asia-Pacific Economic Cooperation, kung saan ang South Korea ang magsisilbing host bago matapos ang taon.
Nagpahayag naman ng kanyang suporta si Lee para sa mas matibay na pagtutulungan sa pagitan ng South Korea at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), habang naghahanda ang Pilipinas na i assume ang chairship ng regional bloc sa 2026.
Samantala, itinatag ng Pilipinas at South Korea ang kanilang diplomatic relations noong March 3, 1949, tanda ng 76 taon na pormal na ugnayan ngayong 2025. (Daris Jose)