• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 1:58 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, kumpiyansa sa ‘legally binding’ ng ‘code of conduct’ sa South China Sea

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa adopsyon ng Code of Conduct on the South China Sea.
”President Ferdinand Marcos Jr. is very optimistic that there will be a final, rather conclusion, on this legally binding Code of Conduct regarding the South China Sea. He is very optimistic that’s why he bring this up to the plenary just this morning,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa Philippine media delegation.
Iyon nga lamang aniya ay depende pa rin ito sa magiging pag-uusap ng ASEAN member states.
”Depende ‘yan sa bawat bansa, siyempre may mga involved na bansa tulad ng China, iba pang miyembro ng ASEAN so depende kung papaano ang takbo ng pag-uusap,” ang sinabi ni Castro.
Layon ng panukalang code ang magtakda ng mga patakaran upang mapigilan na umigting ang sigalot sa South China Sea mula sa hindi na makontrol at lumalalang ‘major armed conflict’ na maaaring madamay ang Estados Unidos, kaanib ng Pilipinas at iba pang Asian countries na kontra sa Tsina.
Sa ngayon, inangkin na ng Tsina ang buong South China Sea, kabilang na ang mga lugar na hinahabol at inaangkin din ng Pilipinas Philippines, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei. (Daris Jose)