PBBM, kumpiyansa na mapapagaan at mabawasan ang Oplan Kontra Baha ang pagbaha sa Cebu, Pinas
- Published on November 22, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapapagaan ang pagbaha sa bansa sa pamamagitan ng bagong inilunsad na programa na Oplan Kontra Baha.
Ikinasa ang inisyatiba sa Mahiga Creek malapit sa M. Logarta Bridge, matatagpuan sa pagitan ng mga lungsod ng Mandaue at Cebu.
“Ang projection natin, ang pangako sa atin… one year… ang pangako sa akin, ‘pag ka umulan ulit, hindi na magbabaha,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa Cebu province.
Sa nasabing event, sinaksihan ng Pangulo ang nagpapatuloy na aktibidades sa Mahiga Creek, kabilang ang ‘dredging, waste removal, cleaning waterways, at removal of illegal structures’ upang maibalik ang natural water flow at mabawasan ang panganib ng pagbaha.
Pinangasiwaan din ni Pangulong Marcos ang karagdagang dredging operations.
Ang Mahiga Creek ay bahagi ng halos 12-kilometer Subangdaku–Mahiga River system, na kinokonsidera bilang crucial waterway na mag-extends sa urban core ng Cebu City at nakapalibot na barangay.
Sa ulat, madalas na umaapaw ang ilog sa panahon ng matinding pag-ulan dahil sa pagtatayo ng banlik at naipon na basura na humaharang sa waterways, lalo na sa paligid ng Subangdaku Bridge. (Daris Jose)