PBBM KAY POPE FRANCIS: ‘THE BEST POPE IN MY LIFETIME’
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG nang matinding kalungkutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpanaw ni Pope Francis, mas kilala ng mga Filipino bilang si “Lolo Kiko.”nn”Ibang klase si Pope Francis. That’s really sad. I love this Pope. The best Pope in my lifetime as far as I’m concerned,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa sidelines ng isang pagpupulong, araw ng Lunes.nnNauna rito, inanunsyo ng Vatican ngayong Lunes (oras sa Pilipinas) sa isang video statement na pumanaw na si Pope Francis, ang kauna-unahang Latin American leader ng Roman Catholic Church.nnNito lang nakaraang linggo, nakipagpakita si Pope Francis, 88-anyos, at pinasalamatan ang medical team na umasikaso at nagligtas sa kaniya sa limang linggo niyang pagkakaratay sa ospital dahil sa double pneumonia.nnMahina ang boses pero walang suot na oxygen ang Santo Papa nang pasalamatan niya ang medical team na binubuo ng nasa 70 doktor at mga staff mula sa Gemelli Hospital sa Rome.nn”Thank you for your service in hospital,” ang sinabi ni Pope Francis. “It is very good. Keep going like this.”nnNitong nakaraang Linggo ng Pagkabuhay, pumasok si Pope Francis sa St. Peter’s Square sakay ng open-air popemobile, na kauna-unahang niyang ginawa mula nang makalabas ng ospital.nnSinalubong siya ng libu-libong Katoliko na may bitbit na mga watawat ng kanilang mga bansa at sumisigaw ng “viva il papa!” (long live the pope!).nnIlang beses din na sandaling tumigil ang popemobile sa square, upang batiin at basbasan ang mga tao, may sanggol din na inilapit sa kanya.nnBinasa naman ng kanyang tauhan ang kanyang Easter message mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica, kung saan binigyan-diin ng Santo Papa ang agarang tigil-putukan sa Gaza.nn”I express my closeness to the sufferings … of all the Israeli people and the Palestinian people,” saad niya sa mensahe.nn”I appeal to the warring parties: call a ceasefire, release the hostages and come to the aid of a starving people that aspires to a future of peace,” dagdag pa niya.nnNagawa rin ni Pope Francis na makausap nitong Linggo ng umaga sa Vatican sa US Vice President JD Vance.nnAyon sa Vatican, ilang minuto lang ang itinagal ng pag-uusap nina Pope Francis at Vance upang magpalitan ng Easter greetings.nnSamantala, sinabi ni Pangulong Marcos na laging tatandaan ng mga Pilipino si Pope Francis at ang panawagan nito sa mga mananampalatayang Filipino na muling pasiglahin araw-araw ang kanilang sigasig na kumonekta sa at abutin ang mga nasa gilid at sama-samang magtrabaho para protektahan ang kapaligiran.