PBBM kay Huang Xilian: It’s unfortunate we didn’t make much progress in SCS
- Published on September 26, 2025
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalulungkot na mayroon lamang na maliit na progreso kaugnay sa usapin ng South China Sea.
Winika ito ng Pangulo nang magpaalam sa kanya si Chinese Ambassador Huang Xilian sa farewell call sa Palasyo ng Malakanyang.
“We will miss you,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Chinese envoy.
“It’s unfortunate we didn’t make much progress on the difficulties that we have in the South China Sea, West Philippine Sea,” dagdag na wika nito.
”But I think, considering how difficult the situation was, that we have managed to keep things at least away from too much problem,” aniya pa rin.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang Chinese ambassador para sa kanyang serbisyo.
Sa maraming okasyon, matatandaan na ipinatatawag ni Pangulong Marcos o ng Department of Foreign Affairs si Huang ukol sa nakagagalit na pagkilos ng Tsina sa South China Sea.
Noong 12 Hulyo 2016, nagtagumpay ang Pilipinas sa makasaysayang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina kaugnay sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea.
Nagbigay-daan ang desisyong ito sa pagtataguyod ng pansoberanyang mga karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf.
Binalewala ng Tsina ang isang desisyon noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration na nakabase sa The Hague na nagdeklara ng makasaysayang pag-angkin nito sa West Philippine Sea na walang batayan.
(Daris Jose)