• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:02 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itinalaga si dating PNP CHIEF ACORDA bilang bagong PAOCC EXEC DIRECTOR

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police chief Benjamin Acorda Jr. bilang executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Papalitan ni Acorda si PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.

Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Marcos si Acorda bilang hepe ng PNP mula April 2023 hanggang March 2024.

Naging miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991, Nagsilbi si Acorda bilang director ng PNP Directorate for Intelligence bago pa itinalaga bilang PNP chief.

Si Cruz, dating Philippine National Police Academy (PNPA) chief, ay itinalaga bilang PAOCC Undersecretary noong January 2023.

Nilikha sa ilalim ng Executive Order No. 295 noong 2000, ang PAOCC ay inatasan na i-adopt ang hakbang para masiguro ang isang epektibo at episyenteng anti-crime drive at matukoy at malitis ang criminal groups at kanilang mga protektor sa gobyerno sa pamamagitan ng episyenteng ‘intelligence at counterintelligence efforts.’

Bilang nakaayon sa direktiba ni Pangulong Marcos para sa nationwide ban, ang PAOCC sa ilalim ni Cruz, pangungunahan ang paglansag sa Philippine offshore gambling operations (POGO) bunsod ng sunud-sunod na human trafficking at iba pang criminal activities. ( Daris Jose)