PBBM, ipinag-utos na rebisahing mabuti ang minimum wage rates
- Published on May 2, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagrerepaso o pagsusuri sa minimum wage rates sa bawat rehiyon.Ang direktibang ito ng Pangulo ay bahagi ng kanyang naging talumpati ngayong araw, Mayo 1, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day o Araw Ng Manggagawa sa isang President event sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa kanyang Labor Day message, kinilala ni Pangulong Marcos ang napakahalagang pagsisikap ng mga manggagawang Filipino hindi lamang sa pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang pamilya kundi ang tanging ambag ng mga ito sa development o pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.
Tinuran pa ng Pangulo na ang Pilipinas ay nakatayo ”upon the sweat and toil of Filipino workers as he acknowledged the people who championed labor rights.”
“On this special day, we recognize the invaluable contributions of our hardworking men and women whose grit and resilience have paved the way for our national development,” ayon sa Pangulo.
”We also pay homage to all the people who raised their voices in the pursuit of social justice, championing the rights of workers and ensuring that their efforts are duly valued and compensated,” dagdag na wika nito.
Samantala, idineklara naman ni Pangulong Marcos ang May 1 bilang regular holiday alinsunod sa Proclamation No. 368 na may petsang October 11, 2023. (Daris Jose)