• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang lifestyle check sa lahat ng mga opisyal na may kinalaman sa flood control project

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang tuluy-tuloy na pag-check sa mga records ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa mga maanomalyang proyekto.
“Unang-una po, hindi po natin makakaila na mayroong mga DPWH officials na sinasabing involved at malamang ay magsimula sila doon,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Ongoing din ang investigation ng pamahalaan upang matukoy ang mga nasa likod ng mga proyektong dapat sana ay makakatulong sa solusyon ng malawakang pagbaha sa bansa,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na ang ginagawang pag-iimbestiga ng Pangulo sa usaping ito ay hudyat na rin para sa mga ibang government agencies gaya ng COA, BIR, LGUs, Bureau of Customs na magkaroon po ng pag-iimbestiga rito.
“Marami po tayong nakikita na maraming nagkakaroon ng luxury cars, malamang ay dapat makita rin po ito ng BOC kung ito po ba ay bayad sa mga taxes na required; at sa mga LGUs po, kung makikita po natin na itong mga contractors na ‘to, mga kontratista na ‘to ay napakalaki ng mga proyekto at malaki ang kanilang kinikita, tingnan po nila kung ito po ay naaayon din sa mga mayor’s permit or business permit na kanilang binabayaran sa LGUs, pati po sa BIR,” litanya ng Pangulo.
“So, ito pong pag-iimbestiga ng Pangulo ay hudyat sa bawat ahensiya na gawin din nila ang kanilang trabaho upang mag-imbestiga patungkol dito,” ayon pa rin kay Castro.
Sa kabilang dako, sa ngayon aniya ay umabot na sa 11 proyekto ang personal na nainspeksiyon ng Pangulo. Ito’y mga proyekto sa arikina, Iloilo, Bulacan at Benguet ilang araw matapos na matanggap ang mga reklamo sa sumbongsapangulo.phhttps://sumbongsapangulo.ph/.
“As of 9 A.M. today, umabot na sa 9,020 na reports kaugnay sa flood control projects ang natatanggap ng Pangulo. Muling hinihikayat ng pamahalaan ang taumbayan na makialam at isumbong sa Pangulo ang mga kuwestiyonableng flood control projects,” ang sinabi pa ni Castro. ( Daris Jose)