PBBM, ininspeksyon ang Pasig-Marikina river channel improvement
- Published on August 13, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag- inspeksyon sa Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) Phase IV sa Marikina Bridge Under Loop.Layunin ng proyekto na pagaanin ang pagbaha sanhi ng pag-apaw ng ilog sa Pasig at Marikina.
Nakapaloob sa Phase IV ang structural at non-structural measures para bawasan ang flood damage sa Metro Manila at sa lugar na nakapaligid dito, naglalayon na suportahan ang urban development at i-promote ang pagpapanatili sa kapaligiran sa tabi ng ilog.
“It’s scope of work includes constructing dikes and revetments, installing floodgates, and dredging channels and improving the flood management infrastructure of Metro Manila,” ayon sa ulat.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan na may ilang flood-control structures sa Marikina City ang matatapos na sa 2028.
“We are hoping na itong widening, revetment, baka matapos namin by 2028 pero ‘yung Marikina Gate Control Structure baka by 2028 or 2029 siguro,” ang sinabi ni Bonoan. (Daris Jose)