• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inaprubahan ang umento sa sahod, health benefits para sa mga GOCC workers

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, ang bagong salary adjustments at medical benefits para sa mga empleyado ng government-owned or -controlled corporations (GOCCs).

Pagkilala ito sa kanilang dedikasyon sa paghahatid ng mahalagang serbisyo sa mga Filipino.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 2025 GOCCs’ Day na isinagawa sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Chief Exeuctive na ang pagreporma ay bahagi ng pagkilala ng administrasyon sa sakripisyo at kontribusyon ng mga empleyado ng GOCC.

“In support of the hardworking men and women who make this possible, I have approved the Compensation and Position Classification System II that would increase the salaries of GOCC employees. I have also approved the provision of a tiered medical allowance for GOCC employees depending on the capacity of the GOCCs,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nilinaw ng Pangulo na ang para sa korporasyon na nauna nang nagpatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) 1, ang adjustments ay ia- apply ‘retroactively.’

“For GOCCs that implemented CPCS 1, the increases will retroact to January 1, 2025, upon receipt of their Authority to Implement from GCG,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang hakbang ay para tiyakin ang patas na pagkilala para sa mga manggagawa na patuloy na panindigan ang kahusayan, transparency at accountability sa public service.

“Dahil sa inyong determinasyon at malasakit, mas maraming Pilipino ang ating natutulungan at naaabot ng ating mga serbisyo,” ayon kay Panguong Marcos.

Samantala, binigyang diin ng Pangulo na ang pamumuhunan sa kapananan ng GOCC employees ay sumasalamin sa commitment ng gobyerno na pangalagaan ang “more capable and motivated public sector workforce” na maaaring makapaghatid pa sa pananaw ng Bagong Pilipinas. (Daris Jose)