• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, in-inspeksyon ang food packs na ipamamahagi para sa ‘Crising’-hit areas

ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanda ng food packs na ipamamahagi sa lugar na apektado ng pananalasa ng Tropical Storm Crising.

Si Pangulong Marcos, kasama ang kanyang anak na si William Vincent, nagpunta sa Social Welfare and Development’s (DSWD) National Resource Operations Center sa Pasay City para i -check ang food packs na ipadadala sa Crising-hit areas.

Tinulungan naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Pangulong Marcos sa panahon ng inspeksyon.

Inayos at inihanda na ng DSWD ang mahigit sa 3 milyong kahon ng family food packs (FFPs) sa 935 storage hubs sa buong bansa.

Sa ngayon, ang DSWD ay mayroong P2.9 billion na standby funds at stockpile, binubuo ng mahigit sa 3 milyong FFPs, 28,107 ready-to-eat food boxes, at 334,791 non-food items.

Ang ahensiya ay nag-imbak ng P773 milyong halaga ng non-food items, kabilang na ang hygiene kits, water containers, at ba pang emergency shelter materials para sa mga displaced individuals.

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na maging alerto. (Daris Jose)