• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM: Habag at kabutihan sa pagdiriwang ng Pasko

NAGPAABOT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kanyang mensahe sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong 2025. Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:“Ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pagbati ng Maligayang Pasko sa buong sambayanang Pilipino habang taimtim at masaya nating ipinagdiriwang ang kapaskuhan ngayong taon.Muli, dumating ang panahon na nabubuhay ang mga lansangan sa mga awiting pamasko, kumikislap na mga ilaw, noche buena, at ang katuwaan sa pag-iisip at pagpapalitan ng mga regalo sa mga mahal natin sa buhay.Pinapaalala ng okasyong ito ang init ng pamilya, ng halakhakang ating pinagsasaluhan kasama ang mga kaibigan, at ng mga biyayang ibinibigay natin sa kapwa—lalo na sa mga higit na nangangailangan.Ipagdiwang natin ang kapanganakan ni Kristo nang may habag at kabutihan—sa pamamagitan ng pagtutulungan at sama-samang pagbangon at pagbabagong-loob. Tulad ng Sanggol sa Sabsaban, nawa’y patuloy tayong maghatid ng ligaya at magbigay ng pag-asa sa bawat taong ating makakasalubong habang tayo’y naglalakbay tungo sa Bagong Pilipinas.Muli, Maligayang Pasko, at nawa’y maipamalas ng panahong ito ang likas na bukas-palad na diwa ng Pilipino—laging nagbibigay, laging nagmamahal, at laging inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa sa pansariling interes.Maligayang Pasko po sa ating lahat!