• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, gustong makasama ang Pilipinas sa United Nations Security Council

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bid ng Pilipinas na maging miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) sa kanyang pulong kay UN Secretary-General António Guterres sa UN Headquarters.Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinalakay ng dalawa ang kampanya ng Pilipinas para sa non-permanent seat sa konseho. Aniya, hindi lamang para sa sariling interes ng bansa ang layunin ng pagtakbo kundi upang makapag-ambag sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.Inamin din ni Castro na maaaring mabanggit ang usapin ng West Philippine Sea kung sakaling maging miyembro ang Pilipinas ng UNSC.Gaganapin sa Hunyo 3, 2026 ang halalan para sa mga bagong miyembro ng konseho.(Daris Jose)