PBBM, dumating sa Rashtrapati Bhavan para makapulong si Indian PM Modi
- Published on August 6, 2025
- by @peoplesbalita
DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Rashtrapati Bhavan, ang official residence ng President of the Republic of India.
Isang ceremonial welcome ang ibinigay kay Pangulong Marcos ng mga Indian officials. Present naman si First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa nasabing reception.
Makakapulong ni Pangulong Marcos si Indian Prime Minister Narendra Modi at President Droupadi Murmu para pag-usapan ang regional issues, kabilang na ang defense at security at maging ang ekonomiya.
At nang tanungin kung ano ang dapat asahan sa kanyang byahe, sinabi ng Pangulo na ito’y ang muling pagpapatibay sa alyansa sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang na ang pagpapalakas sa kanilang partnership.
”Well, we used to refer to the Asia-Pacific region. We now refer to as the Indo-Pacific region, which is I think a correct evolution of that understanding because of the global nature of all politics and of all of trade and all of the economy,” ayon sa Pangulo.
Samantala, sa five-day state visit ni Pangulong Marcos, kasama niya ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete at high-level business delegation.
Ang pagbisita ng Pangulo ay inaasahan na aani ng konkretong kasunduan at bagong commitments at mas makakapagpahusay at magpapalakas sa partnership sa pagitan ng Maynila at New Delhi. ( Daris Jose)