PBBM, determinado na linisin ang hanay ng pamahalaan
- Published on October 22, 2025
- by @peoplesbalita
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang commitment na linisin ang burukrasya at tiyakin na ang bawat public official at public servant ay karapat-dapat sa tiwala ng mga mamamayang Filipino.“Patuloy tayo sa paglilinis ng hanay ng pamahalaan upang matiyak na ang bawat opisyal, bawat lingkod-bayan ay karapat-dapat sa tiwalang ibinibigay sa kanila ng taumbayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang awarding ng 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos sa Palasyo ng Malakanyang.Sa gitna ng imbestigasyon ng flood control corruption na kanyang sinimulan, kinilala ni Pangulong Marcos na ang kasalukuyang hamon na kinahaharap ng bansa ang yumanig sa tiwala ng publiko sa mga government institutions.“Hindi madali ang laban na ito. Marami pa tayong haharapin, marami tayong pagdadaanan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.“It will be hard and sometimes it will be painful, but it will be worth it because what we are fighting for is a country that our children will inherit and a nation that they can be proud of, that they can be proud to say I am Filipino.” aniya pa rin.Tinugunan ang tanong kung maaari pang pagkatiwalaan ang gobyerno, sinabi ng Pangulo na ang 10 honorees ang siyang buhay na patunay ng pag-asa at integridad sa public service.“In their service, you will find your answer. Because of them, we are reminded that hope is never lost, that integrity still lives in our institutions, and that honor still defines what it means to be Filipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.Samantala, kabilang sa Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awardees ay ang apat na guro, tatlong sundalo at tatlong police officers na nagbigay ng kanilang mahalagang kontribusyon sa buhay ng nakararami.Hinggil sa Metrobank Foundation Outstanding Filipinos program na nagtanda ng 40th year, sinabi ni Pangulong Marcos na ang award ang naging “beacon of integrity and inspiration, proving that even at the most difficult times, there will always be Filipinos who remain committed to serving and leading with honor.”Nagpaabot naman ang Pangulo ng kanyang pasasalamat sa Metrobank Foundation at partners nito sa pribadong sektor gaya ng PSBank, Rotary Club of New Manila East, at Rotary Club of Makati Metro para sa pagdakila sa mga nagtataglay ng ‘best ideals’ ng public service. ( DARIS JOSE)