PBBM, bumisita sa Navotas at nagbigay ng tulong sa evacuees
- Published on July 28, 2025
- by @peoplesbalita
PERSONAL na nagtungo sa Navotas City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para inspeksyunin ang Tangos-Tanza Navigational Gate, kasama sina Congressman Toby Tiangco, at Mayor John Rey Tiangco bago binisita ang mahigit 100 pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa Tanza National High School Evacuation Center.
Namahagi ang pangulo sa evacuees ng food packs, hygiene kits, at sleeping kits upang matiyak ang maayos nilang kalagayan habang nananatili sa evacuation center.
Nagsalamat naman ang magkapatid na Tiangco sa pagulo sa pagbisita nito at pagdala ng tulong sa mga Navoteño. (Richard Mesa)