• March 31, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ayaw pag-usapan ang posibilidad na i-takeover ng gobyerno ang oil industry sa Pilipinas

“WE don’t want to get into that discussion.”
Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos nang tanungin kung pansamantalang ite-take over ng gobyerno ang oil industry sa gitna ng bakbakan sa Gitnang Silangan na nagresulta ng pagsirit ng presyo sa langis sa bansa.
Nauna rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, Marso 24, ang state of national energy emergency, at iniutos ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa mga apektadong sektor.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Marcos sa Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency, nagpapatupad ng UPLIFT, at paganahin ang whole-of-government response para matiyak ang katatagan ng suplay ng enerhiya, suportahan ang mahahalagang sektor tulad ng transportasyon, agrikultura, at MSMEs, at maprotektahan ang mga Pilipino sa gitna ng problema sa pandaigdigang suplay ng langis.
Ayon sa EO, ang UPLIFT ay nagsisilbing balangkas ng organisadong pagtugon ng gobyerno, na binubuo ng mga hakbang sa pamamahala ng suplay ng enerhiya na ipatutupad ng Department of Energy, at mga kaakibat na ahensya, at mga karagdagang hakbang upang suportahan ang mga konsyumer at apektadong sektor.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na pinag-aaalan ng Pilipinas ang posiilidad na pag-secure ng fuel mula Russia sa gitna ng kasalukuyang hamon sa enerhiya.
Inatasan din ang Department of Transportation na magbigay ng hakbang para mapagaan ang epekto sa transport sector at commuting public.