• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payo ng DFA sa mga Pinoy: Maingat na ikonsidera ang pagbiyahe sa Indonesia sa gitna ng patuloy na nangyayaring protesta roon

BAGAMA’T wala namang ipinalalabas na ‘travel advisory’ sa Indonesia, pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nagpaplanong pumunta sa nasabing bansa na ikonsiderang mabuti ang kanilang byahe dahil na rin sa patuloy na nangyayaring protesta roon.
Sa ulat, patuloy kasi ang malawakang demonstrasyon na yumanig sa Jakarta at ibang rehiyon sa nakalipas na mga araw, nag-ugat ito mula sa galit ng publiko ukol sa panukalang monthly allowance para sa mga miyembro ng parlyamento.
Umigting ang tensyon matapos makita sa viral video ang isang motorcycle taxi driver na namatay matapos makaladkad ng police vehicle sa gitna ng rally sa Jakarta.
“There are some areas that are calm at (and) business as usual but we are continuously monitoring developments ano. Kaya kung may mga kababayan tayo na nagbabalak magbiyahe ay isipin po muna nang mabuti,” ang sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.
Sa ulat, may 6,000 Filipino sa Indonesia, kung saan may 1,800 ang naka-base sa Jakarta. Mayorya sa mga ito ay guro, managers, accountants at engineers.
“So far, no Filipino has been reported affected by the unrest nor has sought assistance from the embassy,” ayon kay Escalona.
Samantala, muli namang inulit ni Escalona ang naunang advisory ng Philippine Embassy sa Jakarta na pinaaalalahanan ang mga Filipino sa nasabing bansa na iwasan ang mga lugar kung saan may nagpo-protesta at manatiling alerto. ( Daris Jose)